Naisakatuparan ang handog na Dressmaking NC II Training para sa mga miyembro ng Mapandan Solo Parents Association (MSPA) noong Pebrero 3 at magtatapos hanggang Pebrero 21, 2025.
Ang programang ito ay inisyatibo ng Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO) at Public Employment Service Office (PESO) sa tulong ng Technical Education And Skills Development Authority-Pangasinan Schools of Arts and Trade (TESDA-PSAT).
Sa pangunguna ni Mayor Karl Christian F. Vega, layunin ng pagsasanay na mabigyan ng kasanayan sa pananahi ang mga solo parents upang magkaroon sila ng mas maraming oportunidad sa trabaho at kabuhayan. Ang mga kalahok ay tinuturuan ng tamang paggamit ng sewing machine at iba pang teknik sa pananahi.
Ang programang ito ay bahagi ng suporta ng lokal na pamahalaan upang mapalakas ang kabuhayan ng mga solo parents at mapaunlad ang kanilang kalidad ng pamumuhay.
Source: Mapandan for Every Juan FB Page