14.3 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Libreng pagkakapon sa mga alagang hayop, handog ng Pamahalaan ng Angeles City

Nagsagawa ng libreng pagkakapon sa mga alagang hayop ang pamahalaan ng Angeles City sa Angeles City Dog Pound and Animal Shelter, City Hall Compound, Angeles City nito lamang ika-29 ng Hulyo 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng City Veterinary Office sa pamumuno ni Dr. Christian Xyric Arcilla katuwang ang mga tauhan ng Angeles City Dog Pound and Animal Shelter.

Ito ay bahagi ng mga programa ng ama ng lungsod na si Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr.

Nabigyan ng libreng serbisyong beterinaryo na spaying at castration para sa aso at pusa ng mga Angeleños na makakatulong sa pamamahala ng labis na pagdami ng populasyon ng mga hayop at pag-iwas sa pagkalat ng rabies.

Hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles ang mga pet owners na nais ipakapon ang kanilang mga alaga na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.

Ito ay isang mahalagang hakbang upang ganap na mapigilan ang rabies sa lungsod at mapanatiling ligtas ang mga residente mula sa mga sakit na maaaring makuha mula sa mga hayop.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles