Nagbahagi ng libreng organikong pataba ang Pamahalaang Lungsod ng Angeles para sa ilang mga AngeleƱo nito lamang Miyerkules, ika-17 ng Hulyo 2024.
Ang aktibidad ay sa pangunguna ni Mayor Carmelo āPogiā Lazatin Jr., sa ilalim ng programa ng black soldier fly.
Isang kilo ng organikong pataba o isang bote ng pataba ang ibinahagi sa mga lokal na magsasaka at residente na gawa mula sa mga black soldier fly mula sa City Agriculture Office.
Isa sa mga umuusbong na teknolohiya ang mga black soldier fly na nagko-convert ng organikong basura sa mataas na kalidad na nutrients para sa pagkain ng mga alagang hayop, isda, at manok, pati na rin ang natitirang pataba para sa pagpapabuti ng lupa.
Bahagi ito ng plano ng pamahalaang lungsod na mabawasan ang organikong basura.
Ang programang ito ni Mayor Lazatin ay upang maisakatuparan habang patuloy ang pamahalaang lungsod sa paghahanap ng mga paraan upang maibaling at mabawasan ang basurang itinatapon sa landfill.