Muling unarangkada ang Libreng Mobile Gamutan para sa mga residente ng Barangay Malimpang San Ildefonso, Bulacan nito lamang Miyerkules ika-28 ng Mayo 2025.
Matagumpay na naisakatuparan sa gabay at pangunguna ni Mayor Gazo Galvez, katuwang si Dr. Reginell Nunez, Municipal Health Officer ng nasabing lugar.
Ang aktibidad ay isinagawa sa pamamagitan ng libreng Medical Check-up, Chest Xray, Laboratory Examinations, Reading Glasses, Dental Check-up, Sanitary Inspection sa Barangay, Health Promotion Activity, Bedridden Check-up, Feeding Program, at Vitamins para sa mga bata at buntis.
Ang Lokal na Pamahalaan ng San Ildefonso ay patuloy na maghahatid ng serbisyong medikal at magsasagawa ng higit pang mga proyekto at programa na pakikinabangan ng mga mamamayan para sa mas matibay na ugnayan ng komunidad at mga namamahala ng nasabing bayan.

