17.9 C
Baguio City
Wednesday, October 23, 2024
spot_img

Libreng kasalan isinagawa sa Tarlac City

Nagsagawa ng libreng kasalan ang pamahalaan ng Tarlac City sa Barangay Sta. Cruz, Tarlac City, Tarlac nito lamang Huwebes, ika-25 ng Mayo 2023.

Ito ay pinamunuan ni Honorable Cristy Angeles, Mayor ng Tarlac City.

Pinag-isang dibdib ang mga magsing-irog kasama ang kanilang mahal sa buhay bilang saksi sa kanilang pagmamahalan.

Labis ang galak ng mga bagong kasal at tinupad ng Pamahalaan ng Tarlac City ang kanilang pangarap na maikasal.

Samantala, ayon naman sa mensahe ng pamahalaan ng Tarlac City sa mga bagong kasal na maging masaya at gawing sentro ng kanilang pagsasama ang Panginoon upang malampasan ang lahat ng dagok at problema sa kanilang buhay may-asawa.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles