17 C
Baguio City
Thursday, January 23, 2025
spot_img

Libreng kapon at ligate sa mga alagang aso at pusa, patuloy na isinasagawa ng PGC

Muling nagsagawa ng libreng kapon at ligate sa mga alagang aso at pusa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan (PGC) sa bayan ng Gonzaga, Cagayan noong ika-15 ng Hunyo 2023.

Umabot sa 44 na alagang aso at pusa ang nabigyan ng libreng kapon at ligate ng Provincial Veterinary Office (PVET).

Naging katuwang ng PVET sa pagsasagawa ng programang ito ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng Gonzaga at Biyaya Animal Care (BAC) na isang Non-Government Organization (NGO) na umiikot sa buong bansa upang makipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno na ipatupad ang libreng serbisyo sa mga alagang hayop.

Layunin ng aktibidad na ito na makontrol ang pagdami ng mga alagang hayop na kadalasang pagala-gala dahil hindi na kayang alagaan pa ng mga pet owner.

Tuloy-tuloy na isinasagawa ng PGC ang libreng serbisyo sa mga alagang aso at pusa sa iba’t ibang bayan sa probinsya sa Cagayan.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles