Namahagi ng Hygiene kits ang Provincial Government ng Tarlac para sa mga mag-aaral ng Mayantoc, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-6 ng Oktubre 2023.
Pinamunuan ito sa ilalim ng pangangasiwa ni Hon. Susan A Yap, Governor ng Tarlac Province katuwang ang PGT-Commuity Based Monitoring System at Department of Education (DEPED) Tarlac Province.
Nagbigay ngiti at saya sa mga mag-aaral ang hatid na libreng hygiene kits at tinuruan ang mga ito sa tamang pangangalaga ng kanilang katawan.
Bukod sa hygiene kits na ipinamigay, namahagi din ang mga awtoridad ng pares ng tsinelas at libreng meryenda para sa mga estudyante ng nasabing paaralan.
Patuloy ang paghahatid ng tulong ang pamahalaan ng Tarlac sa mga Tarlakenyo tungo sa magandang buhay at kinabukasan.