Higit 1,589 na residente ng lungsod ng San Fernando ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng Cash Payout ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ginanap sa Kingsborough International Convention Center nito lamang ika-22 ng Nobyembre 2024.
Ang naturang aktibidad ay hatid ng DSWD sa inisyatibo ni Senator Rex Gatchalian katuwang ang pamahalaang panlalawigan ng Pampanga.
Kasama din sa pamimigay Sina Governor Dennis Pineda, Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda kasama ang anak na si dating Board Member at Mayor Mylyn Pineda-Cayabyab.
Lubos naman ang pasasalamat ni Lolo Florante Somera sa ibinigay na tulong mula sa DSWD at Kapitolyo na magagamit bilang dagdag puhunan sa paglalako ng almusal sa Barangay San Felipe.
Bukod pa rito, meron ding libreng gupit at food packs para sa lahat ng benepisyaryo ng naturang aktibidad.
Layunin ng nasabing aktibidad na maiparating ang agarang tulong sa mga nangangailangang residente upang matulungan silang makaahon sa hamon ng pang araw-araw na buhay.
Pinapakita rin nito ang malasakit ng pamahalaan, sa pangunguna ng DSWD at mga lokal na opisyal, sa kapakanan ng komunidad, kasama ang mga serbisyo tulad ng libreng gupit at food packs.