Namahagi ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan ng San Ildefonso ng libreng gamot para sa mga residente na may sakit na diabetes at hypertension sa Barangay Bubulong Munti, San Ildefonso, Bulacan nito lamang Martes, ika- 25 ng Setyembre 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Honorable Fernando “Gazo” S Galvez, Mayor ng San Ildefonso. Ito ay bilang bahagi ng kanyang programa na Gamot Mo, Sagot Ko.
Labis ang pasasalamat ng mga benipisyaryo sa tulong medikal na hatid sa kanilang lugar.
Layunin ng programa na ipadama ang malasakit at pagpapahalaga ng pamahalaan sa mga mamamayan sa pamamagitan ng paghahatid ng serbisyong medikal.