Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng mga tauhan ng Lokal na Pamahalaan ng Paniqui ng libreng gamot para sa mga residente ng Barangay Samput, Paniqui, Tarlac nito lamang Sabado ika-4 ng Enero 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Hon. Max Roxas, Mayor ng Paniqui. Labis ang pasasalamat ng mga benipisyaryo sa tulong medikal na hatid sa kanilang lugar.
Patuloy ang pagtutok ng gobyerno sa pagpapabuti ng kalusugan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mga makabuluhang programa at tulong medikal para sa maunlad at Bagong Pilipinas.