Pumirma ng Memorandum of Partnership ang Philippine Army’s 91st Infantry Battalion “Sinagtala” at Lyceum of the East-Aurora para makapagbigay ng libreng edukasyon para sa mga dating rebelde sa Barangay Florida, Maria Aurora, Aurora nito lamang ika-06 ng Hulyo 2022.
Ayon Kay LtCol Julito Recto, Battalion Commander ng 91st IB, nakapaloob sa kasunduan na ang mga dating rebelde at ang kanilang mga dependent at kapatid ay maaaring magkaroon ng buong diskwento sa mga bayarin sa paaralan katulad ng libreng tuition fees.
Samantala, kabilang din sa programa ang mga CAFGU at kanilang mga dependent kung saan 75 percent discount sa miscellaneous fees.
May libreng tuition fee at 50 percent discount sa miscellaneous fees para sa mga aktibong tauhan ng 91IB at kanilang mga dependent at kapatid; libreng tuition fee para sa ibang mga student-grantees na hindi kasama sa itaas ngunit nagmumula sa area of operations ng 91IB.
Siniguro naman ni Engr. Jaime S. Gose, President ng LEA na patuloy nilang pananatilihin ang mataas na antas ng mga pamantayang pang-edukasyon at titiyakin na ang mga iskolar na nakatala sa ilalim ng programa ay bibigyan ng pinakamahusay na mga pasilidad sa pagtuturo at paaralan.
Layunin nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga iskolar na maabot at matapos ang kanilang mas mataas na edukasyon upang magkaroon ng magandang kinabukasan.
Source: 7th Infantry (Kaugnay) Division, Philippine Army/ Philippine National Agency