Naghatid ng libreng bitamina ang Pamahalaang Lungsod ng Angeles City sa mga batang residente ng iba’t ibang barangay sa Angeles City nito lamang Martes, ika-11 ng Hulyo 2023.
Naging matagumpay ang programa sa ilalim ng pamumuno ni Hon Carmelo Lazatin, City Mayor katuwang ang mga tauhan ng City Nutrition Office.
Ito ay ginawa sa pamamagitan ng house-to-house visitation upang masiguro na mabigyan ng bitamina lahat ng bata sa naturang lungsod.
Sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles na patuloy ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan ng kanilang nasasakupan.