Namahagi ang lokal na gobyerno ng Tarlac ng libreng binhi para sa mga magsasaka ng Barangay Balibago II, Sinait, Suizo, Ungot, Tibag at Bora, Tarlac nito lamang ika-2 ng Hunyo 2022.
Ayon kay Mayor Cristy Angeles, ang mga binhi na naibigay ay certified at hybrid seeds.
Ang benepisyaryo sa programa ay mga lokal na magsasakang rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).
Ayon pa kay Mayor Angeles, naging katuwang sa pamamahagi ng binhi ang Department of Agriculture sa pamumuno ni City Agriculturist Norma Tongol.
Layunin ng programa na matutulungang makabawi at maiangat ang produksyon at kita ng mga qualified city farmers na lubos na naapektuhan ng Rice Tariffication Law kasunod ng pagpasok ng COVID-19 pandemic.