Muling umarangkada ang libreng anti-rabbies vaccine ng mga tauhan ng Municipal Veterinary Office ng Concepcion para sa mga alagang aso at pusa ng mga residente ng Barangay Lilibangan, Concepcion, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-4 ng Abril 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Dr. Roland Arciga, Municipal Veterinary Office, na inisyatibo ng Lokal na Pamahalaan ng Concepcion sa pamumuno ni Mayor Noel Villanueva.
Ang serbisyong ito ay naglalayong mapanatili ang proteksyon laban sa nakamamatay na sakit na rabies na mapanganib hindi lamang sa mga hayop kundi pati na rin sa tao.
Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Concepcion sa pagsagawa ng ganitong aktibidad upang mapanatili ang kaligtas ng mamamayan.
