21.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Libreng Anti-Rabies Vaccination, handog ng City Government of Tarlac

Naghandog ng libreng Anti-Rabies Vaccination ang City Government of Tarlac sa mga alagang hayop ng Barangay Atioc sa City Veterinary Office, Barangay Binauganan nito lamang Martes, ika-7 ng Mayo 2024.

Ang aktibidad na ito ay parte ng 22-in-1 Angel Care Program na pinamunuan ni Mayor Cristy Angeles katuwang ang City Veterinary Office.

Umabot sa 165 pets ang naturukan ng Anti-Rabies Vaccination.

Layunin ng aktibidad na ito na maprotektahan ang bawat indibidwal laban sa rabies na maaaring makuha sa mga kagat ng hayop.

Patuloy ang paghihikayat ng lokal na pamahalaan ng Tarlac City sa kanilang nasasakupan na makipag-ugnayan sa kanilang opisina upang sumailalim ang kanilang mga alagang hayop sa nasabing programa.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles