Naghandog ng libreng Anti-Flu Vaccination ang pamunuan ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac na ginanap sa Bulwagan ng Tarlac City Hall nito lamang Biyernes, ika-20 ng Oktubre 2023.
Matagumpay ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Cristy Angeles katuwang ang City Health Office.
Umabot sa 228 na miyembro ng Tricycle Operators and Driver’s Association (TODA) at iba pang residente ang nabigyan ng libreng bakuna.
Sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac na kanilang inuuna ang kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan sa kanilang nasasakupan.