Namahagi ng libreng abono ang City Agriculture Office ng Angeles City para sa mga magsasaka mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod nito lamang Huwebes, ika-16 ng Nobyembre 2023.
Katuwang sa pamimigay ng abono ang Department of Agriculture Regional Field Office III. Matagumpay na naipamahagi sa 12 lokal na magsasaka mula sa Barangay Cutud, Mining at Pulungbulu.
Sinisiguro ng pamanuan ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles na patuloy Ang paghahatid ng serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan sa kanilang nasasakupan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.