16.2 C
Baguio City
Sunday, November 17, 2024
spot_img

LGUs at Ahensya sa Ilocos, handa na sa Bagyong Ofel at Paparating na Pepito

Nagtaas ng red alert ang Ilocos Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC-1) at pinagana ang Charlie Emergency Preparedness and Response Protocol bilang paghahanda sa Bagyong Ofel (Usagi) at paparating na Tropical Storm Pepito (Man-yi).

Ayon kay OCD Ilocos Director Laurence Mina, inatasan ang mga LGU na magsagawa ng pre-emptive evacuation sa mga lugar na posibleng maapektuhan.

Nagpamahagi na rin ang Mines and Geosciences Bureau ng geohazard advisory, habang tiniyak ng DSWD na sapat ang 88,000 family food packs at 9,700 non-food items para sa rehiyon.

Handa rin ang PNP, Coast Guard, at Army para sa rescue operations, at nagbigay ang Department of Agriculture ng buffer seeds at iba pang tulong sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng nakaraang bagyo.

Sa huling ulat ng PAGASA, humina na si Ofel habang patuloy na papunta sa Babuyan Islands, taglay ang hanging 155 km/h at bugso na 255 km/h.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles