17.6 C
Baguio City
Thursday, October 24, 2024
spot_img

LGU Tumauini at DOLE RO2, magkatuwang sa pamamahagi ng Kabuhayan Project Starter Kit

Ang Lokal na Pamahalaan ng Tumauini sa pangunguna ni Mayor Venus T. Bautista, katuwang ang DOLE RO2 at si Cong. Tonypet T. Albano ay namahagi ng Kabuhayan Project Starter Kit sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program noong November 17, 2022.

Nakatanggap ang labindalawang (12) benepisyaryo mula sa bayan ng Tumauini ng starter kit para sa snack vending, rice vending at fish and pork vending.

Lubos ang galak at pasasalamat ng mga mapapalad na benepisyaryo sapagkat may gaganitin na silang pang-negosyo upang kumita para matustusan ang mga nag-aaral nilang anak.

Layunin ng proyektong ito na matulungang iangat ang pangkabuhayan ng mga kapuspalad para magkaroon ng sapat na kita para sa isang pamilya. Ito ay isang paraan upang magkaroon ng maayos at mapayapang pamumuhay ang mga mamamayan tungo sa kaunlaran ng bayan.

Source: Bayan ng Tumauini FB page

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles