18.3 C
Baguio City
Thursday, May 29, 2025
spot_img

LGU Tuguegarao, pinangunahan ang paggunita sa 2025 International AIDS Candle Lighting Memorial

Matagumpay na isinagawa ng LGU Tuguegarao City ang International AIDS Candle lighting Memorial 2025 na may temang “We Remember. We Rise. We Lead,” noong ika-24 ng Mayo 2025 sa SM Downtown, Tuguegarao City, Cagayan.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng City Health Office, katuwang ang Department of Health – Cagayan Valley Center for Health Development.

Layunin ng nasabing programa na gunitain ang mga biktima ng HIV/AIDS, itaguyod ang kamalayan, at paigtingin ang panawagan para sa maagang pagpapasuri at pagkakaisa sa laban kontra HIV.

Ang programa ay inumpisahan sa isang misa sa pamamagitan ni Rev. Fr. Joshua Ballinan at sinundan ng mensahe ng suporta mula kina City Health Officer Dr. Robin Zingapan at, newly elected City Councilor Anthony Tuddao na kumatawan kay City Mayor Maila Rosario S. Ting-Que, at Rochveen Taguinod na nagbahagi ng datos sa kasalukuyang kalagayan ng HIV sa Rehiyon II.

Binigyang-diin sa programa ang panawagang “Magpasuri para sa HIV ngayon, para sa mas magandang bukas.

Naging bahagi ng programa ang Candle Lighting Ceremony kung saan sabay-sabay na nagsindi ng kandila ang mga dumalo bilang simbolo ng alaala, pag-asa, at pagkilos.

Dumalo sa paggunita ang mga miyembro ng Bar Association of Tuguegarao at LGBTQ+ community, kanilang pamilya, kaibigan, mga kabataan at estudyante, kasama rin ang ilang kawani mula sa People’s General Hospital, CVMC, at City Health Office.

Source: Tuguegarao City Information Office

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles