20 C
Baguio City
Wednesday, October 9, 2024
spot_img

LGU Tuguegarao City, pinangunahan ang Division Teachers’ Day Celebration

Ginunita at ipinagdiwang ng Lokal na Pamahalaan ng Tuguegarao City ang 2024 Division Teachers’ Day, katuwang ang Schools Division Office ng Lungsod na ginanap sa People’s Gymnasium, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang ika-5 ng Oktubre 2024.

Ang selebrasyon na pinamagatang “Stars of DepEd: A Teacher’s Day Special,” na dinaluhan ng mahigit 1,600 na guro mula sa iba’t ibang paaralan ng lungsod.

Malugod na pinasalamatan ni City Mayor Maila Ting-Que ang mga guro na dumalo sa inihandang programa ng LGU, kung saan ito aniya ay isang espesyal na pagkakataon, upang kilalanin ang kanilang walang humpay na serbisyo at kontribusyon sa komunidad.

Dumalo rin sa nasabing selebrasyon sina dating 3rd District Congressman Randy Sera Ting, dating PNP Chief Ret. Gen. Edgar Aglipay, One Cagayan Movement, at iba pang mga bisita.

Ang aktibidad ay nagbibigay pagkilala at pagpapahalaga sa mga guro na nagsisilbing gabay sa paghubog ng karunungan at pagkatao ng ating mga kabataan.

Source:Tuguegarao City Information Office

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles