16.9 C
Baguio City
Saturday, April 26, 2025
spot_img

LGU Tuguegarao City, naglunsad ng Motorcade bilang pakikiisa sa World Immunization Week 2025

Isinagawa ang isang makulay at masiglang motorcade bilang opisyal na panimula ng World Immunization Week 2025 nito lamang ika-25 ng Abril, 2025.

Pinangunahan ng City Health Office sa pamumuno ni City Health Officer Dr. Robin Zingapan, kasama ang mga Barangay Nutrition Scholars (BNS), Barangay Health Workers (BHW), at mga miyembro ng Philippine Road Guardians (PRG) Region 2 motorcycle riders ang nasabing aktibidad.

Layuning mapalakas ang kampanya laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna tulad ng tigdas, polio, at iba pang mga nakakahawang sakit.

Buong suporta ang ibinibigay ng lokal na pamahalaan ng Tuguegarao sa pangunguna ni City Mayor Maila Rosario S. Ting-Que, sa mga aktibidad na naglalayong mas mapalawak ang access ng publiko sa mga libreng bakuna at tamang impormasyon ukol sa immunization.

Kabilang sa mga nakahandang programa ngayong linggo ay ang libreng immunization para sa mga bata at senior citizens, vaccine awareness campaigns, at health consultations upang mas mapalawak pa ang kaalaman ng publiko sa kahalagahan ng bakuna bilang sandata laban sa iba’t ibang sakit.

Ang World Immunization Week ay isang paalala na ang kalusugan ay kayamanang dapat pangalagaan at sa simpleng hakbang na pagbabakuna, ay maaari nating protektahan ang ating sarili, pamilya, at komunidad.

Source: Tuguegarao City Information Office

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles