Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng mga relief goods ng Local Government ng San Miguel, Bulacan para sa mga residente ng naturang bayan nito lamang Martes, ika-1 ng Agosto 2023.
Katuwang sa aktibidad ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development Region 3 at Municipal Social Welfare and Development Office.
Namahagi ng mga relief goods sa mga mamamayan na nabaha dulot ng walang tigil na pag-ulan dala ng bagyo.
Sinisiguro ng Lokal na Pamahalaan ng San Miguel na patuloy ang pamamahagi ng tulong at magbibigay serbisyo sa mga mamamayan lalo na ngayong sakuna.