Muling ipinamalas ng LGU Narvacan sa pangunguna ni Mayor Pablito V. Sanidad Sr. ang kanilang suporta at prayoridad sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga Hybrid at Certified Seeds.
Sa mensahe ng ama ng bayan ay kanyang sinabi na ang tuluy-tuloy na pamamahagi ng mga pangangailangan ng mga magsasaka ay patunay na inuuna ng Lokal ng Pamahalaan ng Narvacan ang alalahanin ng mga magsasaka dahil sila ang ikinabubuhay ng mga residente.
Ang pamamahagi ng mga binhi at pataba ay isinagawa sa mismong Narvacan Farmers Market.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga residente sa lokal na pamahalaan lalo na kay Mayor Sanidad dahil sa kanyang iba’t ibang mga programa na nagbibigay prayoridad sa mga magsasaka.
Source: Narvacan Naisangsangayan
Panulat ni Malayang Kaisipan