Nakiisa ang Local Government Unit sa isinagawang Coastal Clean-up Drive sa Barangay Calapandayan, Subic, Zambales nito lamang Martes, ika-10 ng Oktubre 2023.
Dumalo sa aktibidad ang mga tauhan ng Zambales Hotels, Resorts and Restaurants Association Incorporated (ZamHoRRa, Inc), Subic PNP, stakeholders, Kaligkasan Volunteer at iba pang ahensya ng pamahalaan.
Nagkaisa sila sa paglilinis ng dalampasigan kung saan namulot ng mga plastik na maaaring magdulot ng polusyon sa karagatan.
Patuloy ang Local Government Unit sa pangangalaga ng karagatan upang maging ligtas sa mga mamamayan.