Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Local Government Unit ng Mayantoc sa Sitio Calao, Barangay San Jose, Tarlac nito lamang Lunes, ika-24 ng Hulyo 2023.
Katuwang sa aktibidad ang mga tauhan ng Mayantoc PNP, opisyal ng barangay at mga miyembro ng Lingkod Bayan Advocacy Support Group at Force Multipliers.
Nagkaroon ng medical mission at pamimigay ng relief goods sa mga katutubo nating kababayan.
Patuloy ang Local Government Unit ng Mayantoc sa paghahatid ng tulong at serbisyo sa mga mamamayan lalo na sa mga nakatira sa liblib at malalayong lugar.