Para palakasin ang ating mga lokal na magsasaka ang Local Government Unit ng Mangaldan, sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office (MAO) ay namahagi ng 150 bags ng Urea fertilizers sa 150 corn farmers noong ika 25 ng Hulyo 2023 na ginanap sa Farmers’ Training Center.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Mayor Bona Fe De Vera-Parayno, kung saan binigyang katiyakan naman na ang mga tulong para sa mga corn farmers ay makakarating sa mga benepisyaryo at pantay na distribution sa mga magsasaka na nagtatanim ng mais.
Ang LGU Mangaldan ay isa sa anim na makakatanggap na munisipyo sa probinsya ng Pangasinan ng mga donasyon mula sa China na bigay sa ating bansa.
“Makakaasa po kayo na anumang natatanggap nating intervention galing sa gobyerno ay makarating po sa inyo. Sisilip pa po tayo ng iba pang programa na pwedeng makatulong po sa inyo,” saad ni Mayor Parayno.
Si Municipal Agriculturist Merle C. Sali naman ang nanguna sa proseso ng distribusyon, at nagbigay ng paalala sa mga magsasaka lalo na sa 150 na benepisyaryo na sila ay mausisang pinili at hindi pa tumanggap sa nakaraang pamamahagi.
Source: LGU Mangaldan
Panulat ni Manlalakbay