16 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

LGU Mangaldan, nakiisa sa 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

Aktibong nakiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan sa pagsasagawa ng Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na ginanap sa Gueguesangen Integrated School (GIS), nito lamang Huwebes, Nobyembre 09, 2023.

Matagumpay na naisagawa ang aktibidad mula sa mandato ni Mayor Bona Fe De Vera Parayno na pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa pamumuno ni Rodolfo Corla, katuwang ang Mangaldan PNP, Community Affairs Office (CAO), gayundin ang mga guro at estudyante mula sa GIS.

Bahagi ang programa sa adhikain ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD), na mas mapaigting ang kasanayan at kaalaman ng mamamayan patungkol sa pagresponde sa mga di inaasahang sakuna.

Nagpaabot naman ng lubos na pasasalamat ang mga guro ng GIS sa pamamagitan ng punong guro na si Jimmy Lalangan sa buong suporta at pag-antabay ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Bona na isinasaprayuridad ang kapakanan at kaligtasan ng mamamayan lalo na ang mga mag-aaral.

Source: Public Information Office, Mangaldan Pangasinan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles