Namahagi ang Luna LGU ng mga medicine supplies sa Brgy. San Isidro, Macugay at Sto. Domingo, Luna, Isabela noong ika-2 ng Nobyembre 2022.
Ang mga nasabing barangay ay ang mga nahiwalay dahil sa nasirang tulay ng Lalog na sanhi ng bagyong “Paeng” na kung saan ito lamang ang nag-uugnay sa katabing barangay upang madaling makapunta sa bayan.
Kaya naman namahagi ang LGU Luna ng mga kailangan ng mga mamamayan na medisina at iba pang mga bitamina bilang tulong na rin sa mga naapektuhan ng bagyo.
Layunin nito na masiguro ang kalusugan ng bawat mamamayan upang maiwasan ang magkasakit at maibigay ang tamang serbisyong pangkalusugan.
Source: Luna Health Education and Promotions Unit (HEPU)