19.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

LGU Kayapa sa lalawigan ng Nueva Vizcaya, itinutulak ang Organic Farming

Matapos mabigyan ang Kayapa PGS Core Group ng Certification of Accreditation ng DA-Bureau of Agriculture and Fisheries (DA-BAFS) bilang pagsunod sa RA 11511, hinihikayat na ngayon ng munisipyo ang mas maraming magsasaka na subukan at isulong ang organic farming.

Ayon sa Kayapa, Nueva Vizcaya Municipal Agriculturist na si Ginoong Rufin Fernandez, inuuna ng munisipyo ang adbokasiya nito sa organic agriculture. Isinasaalang-alang na ang Kayapa PGS Core Group ay isa nang Participatory Guarantee System-Organic Certifying Body (PGS-OCB).

Sinabi din nito na umaasa ang grupo na mas maraming magsasaka ang mabibigyang inspirasyon na lumipat sa organic farming. “Pagkatapos ng pandemya, mas maraming magsasaka ang bumalik sa organikong pagsasaka. Bagamat ang iba ay conventional pa rin ang ginagawa, sinisigurado natin na ligtas ang kanilang mga produkto dahil ang ating munisipyo ay pesticide-safe compliant din,” dagdag ni Fernandez.

Malaking pasasalamat din ng mga magsasaka sa Department of Agriculture (DA) sa pagsuporta sa kanilang malawakang promosyon sa organic farming partikular sa pagbibigay ng teknikal na tulong sa mga interesadong magsasaka at organic agriculture practitioners.

Samantala, isinulong ng LGU Kayapa ang kanilang mga organic na produkto tulad ng lettuce, repolyo, zucchini, cucumber at iba pang highland vegetables. Bukod sa mga organikong gulay, maunlad din ang industriya ng cut flower sa munisipyo. Ang bayan ng Kayapa ay kilala bilang pangunahing pinagmumulan ng mga gulay sa kabundukan sa Nueva Vizcaya.

Source: DA Cagayan Valley FB Page

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles