16.2 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

LGU Itbayat naglunsad ng Programang KBP at Clean-Up drive

Nagsagawa ang Local Government Unit ng Itbayat ng isang maikling programa para sa paglunsad muli ng KBP (Kalinisan sa Bagong Pilipinas) sa Barangay Raele Itbayat, Batanes nito lamang Abril 5, 2024.

Ang programang ito ay batay sa DILG Memorandum Circular 2024-001 na pinangunahan ng LGU sa pamamagitan ni Mayor Sabas De Sagon, kasama ang Youth Representative na si Ms. Patricia Telmo, Raele Integrated School, YES-O President.

Isinagawa ang clean-up drive sa paligid ng ilog ng Nangar-Axsung-Atburan sa Barangay Raele, kung saan ito ang isang pangunahing pinagkukunan ng tubig sa Barangay.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mahigit sa 126 na indibidwal na binubuo ng mga lokal na opisyal, mga kinatawan ng NGA, mga guro at estudyante ng Raele Integrated School, health sector, at iba pang residente ng Itbayat.

Tinataya naman na ang kabuuang timbang ng basurang nakolekta ay umabot sa 480 kilos.

Taos pusong nagpapasalamat ang lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno sa aktibong pagsuporta ng mamamayan sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kanilang lugar. Naipapakita dito ang tunay na pagkakaisa ng mga Ivatan sa anumang programa para sa ikakaunlad at kalinisan ng Bagong Pilipinas.

Source: DILG Itbayat

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles