Nakiisa ang LGU-Bacnotan, La Union sa kauna-unahang 3-Day Hospitality Summit La Union sa pangunguna ni Vice Mayor Francis Fontanilla kasama ang mga guro at mga miyembro ng Kabataang Bacnotanean na ginanap sa Agora Event Center-Thunderbird, San Fernando, La Union noong ika-9 ng Septyembre 2024.
Ang Hospitality Summit ay inorganisa ng Thunderbird Foundation sa pakikipag-ugnayan sa Vice Mayors’ League of the Philippines- La Union na may temang Empowering Tomorrow: Shaping La Union’s Hospitality Industry through Education.
Inihayag ni Regional Director Exequiel Ronie A. Guzman ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng Rehiyong Uno 1 ang suporta ng ahensya sa aktibidad at magkakaroon din ng Jobs Fair partikular na sa mga nasa Senior High School.
Sa mensahe ni La Union Vice Governor Mario Ortega ay kanyang binigyan ng inspirasyon ang mga kabataan at pinaalalahanan silang makinig nang mabuti sa mga itinuturo sapagkat sila ang inaasahang mga susunod na mangunguna sa industriya ng turismo sa Probinsya ng La Union.
Ang Bayan ng Bacnotan, sa pangunguna nina Mayor Divine Fontanilla at Vice Mayor Francis Fontanilla, ay patuloy na susuportahan ang mga programa ng administrasyong PBBM para sa mga kabataan na naglalayong payabongin ang lokal na turismo sa bansa.
Source: Municipal Government of Bacnotan, La Union