22.7 C
Baguio City
Friday, January 24, 2025
spot_img

LGBTQI Association, nakipagtulungan sa Kampanya laban sa HIV

Nagkaroon ng isang seminar ukol sa HIV-AIDS Awareness ngayong araw, ika-29 ng Nobyembre 2023, sa Balon Bayambang Events Center, sa inisyatibo ng LGBTQI Association of Bayambang kasama ang Municipal Social Welfare and Development Office.

Naging Resource Speaker si Provincial Population Program Officer II Jewel Rey Padilla.

Ang nasabing seminar ay nagbigay-diin sa mga paraan ng pag-iingat, pagsusuri, at pangunahing impormasyon ukol sa pagsugpo at pag-iwas sa HIV-AIDS. Ipinaliwanag din ang kahalagahan ng pagkakaroon ng regular na screening.

Bilang bahagi ng programa, nagsagawa rin ang RHU I ng HIV testing para sa ilang partisipante upang malaman ang kanilang status at magkaroon ng zero stigma tungkol sa HIV infection.

Ayon sa RHU, mula January hanggang November 2023, wala pang naitalang kaso ng HIV dito sa Bayambang.

Source: Balon Bayambang

Panulat ni Khim Ambrie L. Ballesteros/RSO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles