17.1 C
Baguio City
Wednesday, January 22, 2025
spot_img

Lektyur patungkol sa Earthquake Safety Tips isinagawa sa Galimuyod, Ilocos Sur

Nagsagawa ng lektyur patungkol sa Earthquake Safety Tips sa mga residente ng Brgy. Sabangan Bato, Galimuyod, Ilocos Sur nito lamang Lunes, Agosto 01, 2022.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa ng Galimuyod Municipal Police Station na pinapangunahan ni Police Major Gabriel Alessandro A Labador, Officer-In-Charge.

Tinalakay kung anu-ano ang gagawin kapag nagkaroon ng lindol sa lugar tulad ng duck, cover and hold.

Tinalakay din ang patungkol sa Anti-Rape Law (8353) at Anti-Terrorism sa mga residente ng nasabing lugar upang itaas ang kamalayan ng mga kababaihan at maipamulat sa mga kabataan ang masamang dulot ng mapalinlang na organisasyong CPP-NPA-NDF.

Bukod dito, tinalakay din ang pagpapanatili ng standard health protocols para maiwasan ang COVID-19 virus.

Ang pagkakaroon ng ganitong aktibidad ay nagpapatunay na ang mga alagad ng batas ay hindi lamang sa pagsugpo ng krimen maaasahan kundi sa iba’t ibang gawain para sa kaligtasan at seguridad ng pamayanan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles