Nagsagawa ng re-training sa crime scene preservation at first aid responder sa mga Advocacy Support Groups ng Mangatarem, Pangasinan nitong Miyerkules, Hulyo 27, 2022.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng 150 miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT), 82 na miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) na pinangunahan ni Police Major Arturo C Melchor Jr., Officer-In-Charge ng Mangatarem Police Station.
Tinalakay ang Republic Act 8353 o ang Anti-Rape, First Aid, crime scene preservation, arresting technique.
Tinalakay din ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na tumalakay sa iba’t ibang propaganda at paraan ng pagrerecruit ng mga rebeldeng grupo.
Layunin ng nasabing aktibidad na itaas ang kamalayan ng mga miyembro ng barangay sa usapin sa karapatan ng kababaihan at bata pati sa masamang dulot ng teroristang grupo.