Matagumpay na isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Alaminos, Pangasinan ang Legal Technical Assistance sa Brgy. Cabatuan nito lamang ika -17 ng Marso 2023.
Pinangunahan ni Atty Melanie P. Aoanan, City Legal Officer at iba pang kawani ng City Legal Office ang nasabing aktibidad.
Dinaluhan naman ng mga miyembro ng ERPAT, BHW at Barangay Council ng Cabatuan at tinalakay dito ang RA 9262 o Violence Against Women and their Children Act of 2004, batas na may saklaw ng pangangalaga sa mga batang biktima ng karahasan at sa pamamagitan nito ay mapapalawak ang kanilang kaalaman ukol sa batas at mas mapangangalagaan ang mga kababaihan at kanilang mga anak laban sa karahasan.
Source LGU- Alaminos
Panulat ni Manlalakbay