14.4 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

League of Parents of the Philippines at iba pang grupo kinondena ang CPP-NPA-NDF

Quezon City – Tahasang kinondena ng mga miyembro ng League of Parents of the Philippines (LPP) o mas kilalang Liga ng mga Magulang, kasama ang Liga Independencia Pilipinas (LIPI), Sulong Maralita, at ng Yakap ng mga Magulang Movement, ang Communist Party of the Philippines o CPP at ang lahat nitong legal fronts, sa isinagawang holy week protest nito lamang Miyerkules, Abril 13, 2022 sa harap mismo ng Camp Aguinaldo, Quezon City.

Ayon kay LPP chairperson Remy Rosadio, ang Bayan Muna, Anakpawis, Kabataan, Act Teachers, at Gabriela ay tumutuon lamang sa pagbabatikos ng pamahalaan sa halip na magbigay ng mga solusyon partikular na sa mga kawalang- hiyaang Gawain ng bandidong CPP-NPA-NDF.

Dagdag pa niya na hanggang ngayon marami pa rin ang nagluluksa sa mga kabataang bigla na lang nawala at ang iba ay natagpuang patay na sa mga kabundukan, ngunit wala man lang ni-isa sa mga ito ang kanilang tinuligsa.

Sa pinagsamang pahayag ng LPP, LIPI, Sulong Maralita, at Yakap ng mga Magulang Movement, kanilang tinuran na manatili silang matatag sa pakikipaglaban sa mga panlilinlang at pagsisinungaling ng naturang communist front organizations.

Ayon pa sa grupo, “Kasaysayan na ang nagsabi sa atin na may malawak na ugnayan ang militanteng grupo ng BAYAN MUNA, ACT, ANAKPAWIS, KABATAAN, GABRIELA, at ilan pang organisasyan sa TERORISTANG ORGANO NG CPP-NPA-NDF”, at ito’y pinatunayan mismo ni CPP Founder Jose Maria “Joma” Sison na inilarawan pa ang mahalagang papel ng mga ito sa pagsulong at pagsasagawa ng mga makakomunistang aktibidad.

Samantala, nagpaabot naman ng buong suporta ang grupo sa pamahalaan at sa iilang mga opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), gaya ni NTF-ELCAC Spokesperson for Sectoral Concerns and Presidential Communications Undersecretary na si Lorraine Badoy, na sa ngayon ay sinampahan ng patung-patong na kasong may kaugnayan sa red-tagging, violation of the Anti-Graft Law and the Code of Conduct For Public Officials.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles