18.3 C
Baguio City
Saturday, May 24, 2025
spot_img

LCAT-VAWC Members, nagpulong bilang paghahanda sa Functionality Assessment ng LGU at Provincial Level

Masigasig na nagtipon ang mga miyembro ng Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children (LCAT-VAWC) sa antas ng probinsya upang talakayin ang mga assessment tools na itinakda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nito lamang ika-21 ng Mayo 2025.

Ang taunang assessment ay pinangunahan ng DILG katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Justice (DOJ), at mga miyembro ng Civil Society Organizations (CSO). Sa regional level, masusing susuriin kung ang mga LGU at ang probinsya ay may mataas na antas ng functionality.

Ang pagpupulong ay ginanap sa The Orient, Caggay, Tuguegarao City, at layunin nitong ihanda ang mga lokal na pamahalaan at ang probinsya para sa nalalapit na functionality assessment.

Sa naturang pagpupulong, iprinisinta ng DILG-Cagayan ang mga indicator na gagamiting batayan upang masukat ang kahusayan ng mga LGU at ng probinsya sa pagpapatupad ng mga polisiya at programang naglalayong protektahan ang kababaihan at mga bata. Kasama sa mga tinalakay ang structure ng LCAT-VAWC kung ito ay sumusunod sa itinakdang pamantayan o lumawak pa ang miyembro, ang partisipasyon ng mga miyembro sa mga training at capability development activities, mga umiiral na polisiya at plano, budget allocation, Annual Work and Financial Plan (AWFP), at mga natamong accomplishments.

Kaugnay nito, hiniling ni Acting Provincial Social Welfare and Development Officer Mac Paul Alariao sa mga miyembro ng komite ang kanilang komento at suhestiyon sa draft ng Manual of Operation para sa Love a Victim (LAV) Center. Layunin ng manual na mapabuti pa ang sistema ng serbisyo para sa mga biktima at survivor ng karahasan.

Source: CPIO

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles