Tuloy-tuloy ang pagdagsa hindi lamang ng mga turista kundi maging ng mga mamamayan sa iba’t ibang panig ng Cordillera upang saksihan at makiisa sa pagdiriwang ng Panagbenga 2023 sa lungsod ng Baguio.
Matapos ang Grand Opening ng Panagbenga 2023 na may temang “A Renaissance of Wonder and Beauty” noong unang araw ng Pebrero 2023, ngayon naman ay ang pagsasagawa ng iba’t ibang programa at aktibidad na tunay ngang mapapahanga ka.
Isa na nga dito ang Landscaping Exhibition at Competition kung saan matutunghayan ang naggagandahang 18 entries nito sa Melvin Jones, Football Ground, Baguio City.
Tampok din dito ang iba’t ibang halaman at bulaklak na makikita sa pagitan ng landscapes na ibinebenta sa publiko.
Ang Panagbenga 2023 ay 5 week festivity, mula unang araw ng Pebrero hanggang unang araw ng Marso kung saan pinakatampok dito ang Grand Street Dancing at Grand Float Parades sa ika-25 at 26 ng Pebrero.