Pinangalanang ikapitong pinakamakumpitensyang lalawigan sa bansa ang La Union batay sa 2023 Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) ng Department of Trade and Industry-Competitiveness Bureau (DTI-CB).
Sa panayam sa telepono nitong Biyernes, ika- 29 ng Septyembre 2023, sinabi ni DTI La Union Provincial Director Merlie Membrebre na ang Ranking ay nakabatay sa pangkalahatang Performance ng Local Government Units (LGUs) sa limang basehan ng competitiveness, kabilang ang economic dynamism, government efficiency, infrastructure, resiliency at innovation.
Nakabatay ang Provincial Rankings sa Population at Income-Weighted Average ng kabuuang Score ng mga lungsod at munisipalidad sa ilalim ng isang probinsya, ayon sa DTI. Sinabi ni Membrere na ang mga First-Class LGUs ng La Union ay nag-ambag sa pangkalahatang ranking ng lalawigan.
Kabilang sa LGU Top Awardees sa CMCI sa Lalawigan ng La Union ngayong taon ay ang San Fernando City bilang Top 3 sa Government Efficiency pillar (Component City) at Top 5 sa Resilience Pillar (Component City).
Source: Provincial Government of La Union (PGLU)
Panulat ni Malayang Kaisipan