14.5 C
Baguio City
Monday, October 21, 2024
spot_img

Lalaki, natagpuang patay sa Pasil, Kalinga

Natagpuang patay ang isang lalaki matapos ma-trap sa loob ng Minahan sa Sitio Magadgad, Galdang, Pasil, Kalinga nito lamang 6:00 ng umaga ng Linggo, Disyembre 4, 2022.

Kinilala ang biktima na si Milnar Bag-ayan, 35, residente ng Brgy. Galdang, Pasil, Kalinga.

Batay sa ulat, nabagsakan ng mga gumuhong bato sa loob ng minahan ang biktima na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Samantala, inihatid na ang labi ng biktima sa kanyang tirahan sa Brgy. Galdang, Pasil, Kalinga.

Nanawagan naman ang mga awtoridad na maging maingat at mapagmatyag upang maiwasan ang anumang uri ng aksidente.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles