Arestado ang isang lalaki sa baril at bala sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Dagupan Centro, Tabuk City, Kalinga noong Enero 21, 2025.
Kinilala ang suspek na isang lalaki, 27 taong gulang, walang asawa, walang trabaho, tubong Mabacca, Seet, Tanudan, Kalinga, at kasalukuyang residente ng New Tanglag, Tabuk City, Kalinga.
Habang nagsagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Tabuk PNP, isang concerned citizen ang lumapit upang ireklamo ang isang lalaking nagbabantang nagpakita ng maikling baril.
Agad namang rumesponde ang mga pulis at naaresto ang suspek. Nakumpiska mula sa suspek ang isang Cal. 22 revolver na walang serial number at may pitong bala.
Muling nananawagan ang Tabuk PNP, na isuko ang mga baril na walang papeles para maiwasan magkaroon ng kaso at magamit sa iligal na gawain.