14.6 C
Baguio City
Sunday, February 23, 2025
spot_img

Lalaki, arestado sa baril sa Abra

Arestado ang isang lalaki dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa Barangay Bangbangar, Bangued, Abra noong ika-4 ng Enero 2025.

Ang suspek ay 33 taong gulang, may asawa, at residente ng Barangay Dumagas, Boliney, Abra. Nabatid na nakumpiska sa naturang lalaki ang isang Armscor Cal .45 pistol na may Serial Number 1144479 at walong bala. Ayon sa PNP, naharang ang suspek habang nagsagawa ng checkpoint.

Sakay ito ng isang Honda XRM 125 na may temporary plate number 1401-71969. Nang hingan ng lisensiya, napansin ang nakausling baril mula sa kanyang shorts.

Nabigo itong magpakita ng dokumento kaya ito ay inaresto. Pinaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na siguruhing may kaukulang dokumento ang kanilang baril upang maiwasanna magkaroon ng kaso.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles