18.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Lako‘ ti Vizcayano Mini Bazaar sa NVAT Fresh Online, inilunsad

Matagumpay na inilunsad ang NVAT Fresh Online kung saan idinisplay ang iba’t ibang produktong pangkultura para sa diwa ng pagbabago tungo sa buong bagong antas ng DTI R2 Nueva Vizcaya na Lako ‘ti Vizcayano Mini Bazaar sa Convention Center, Capitol Grounds, Bayombong, Nueva Vizcaya noong ika-31 ng Agosto 2023.

Isinagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Provincial Local Government Unit ng Nueva Vizcaya sa pangunguna ni Governor Jose V. Gambito.

Nakilahok ang 25 na exhibitors kabilang ang MSMEs at mga magsasaka sa isang araw na pagtitinda sa mga bisita at dayuhan kung saan isinagawa ang paglulunsad kung saan makikita ang mga nakadisplay na mga prutas, gulay, mga processed foods, pasalubong, mga coffee/cacao-based products, handicrafts, basketry at iba pa.

Mayroon ding inilaang mga stall para sa mga lokal na produkto mula sa Cagayan Valley.

“Our local entrepreneurs, artists, and farmers poured their hearts into all these produce/creations, and this event is another excellent way to honor their efforts and showcase the unique offering that only our province can offer,” saad ni DTI R2 Nueva Vizcaya Provincial Director Marietta B. Salviejo.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles