13.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Labi ng isang dating miyembro ng CTG narekober sa Sta. Teresita, Cagayan

Narekober ng mga miyembro ng 77th Infantry Battalion at Cagayan PNP ang labi ng isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Sitio Aboli, Barangay Aridoen, Sta. Teresita, Cagayan nitong Linggo, unang araw ng Mayo 2022.

Kinilala ng mga otoridad ang labi na si Michael Edillo Alyas Mareg, 23, residente ng Barangay Bunugan, Baggao, Cagayan.

Siya ang nagsisilbing medical officer ng Pambansang Demokratikong Paaralan (PADEPA), Instructor ng East Front Committee ng Henry Abraham Command, miyembro ng Komiteng Probinsya Cagayan at Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley.

Nasawi si Alyas Mareg sa naganap na sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at teroristang grupo noong Setyembre 22, 2021 sa Barangay Dungeg, Sta. Teresita, Cagayan.

Natagpuan at narekober ang labi ni Alyas Mareg sa tulong ng impormasyon mula sa mga dating rebelde na sina Alyas Lawin at Alyas Lee na tumulong sa paghukay.

Naihatid na ang labi ni Alyas Mareg sa kanyang pamilya para sa maayos at marangal na burol at libing.

Nagpasalamat naman ang AFP at PNP sa tiwala at patuloy na pakikipagtulungan ng mga dating rebelde sa pamahalaan.

Source: 5th Infantry Division, Philippine Army

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles