14.9 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

“Lab for All” inilunsad sa Baguio City

Nagsagawa ng “Lab for All” o Laboratoryo, Konsulta at Gamot Para sa Lahat sa pangunguna ni First Lady Louise Araneta-Marcos sa Baguio Convention Center nito lamang Mayo 23, 2023.

Ang proyekto ay alinsunod sa proyekto ni First Lady Louise Araneta-Marcos sa pakikipagtulungan ng mga kawani ng Office of the President, Department of Health, PhilHealth at Baguio City LGU.

Nasa 1,120 na residente ang nakatanggap ng iba’t ibang serbisyo medikal gaya ng Free Lab Examination; Complete Blood Count (CBC), X-ray, Imaging ang Electrocardiogram (ECG), free medical consultation for eye check-up at libreng mga gamot.

Gayundin, tumanggap ang mga benepisyaryo ng food packs na mula naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Layunin ng programa ang makapaghatid ng serbisyo medikal at tulong sa mga mamamayan alinsunod sa layunin ng Universal Health Care Program ng National Government.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles