20.1 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

La Trinidad, Benguet nakiisa sa World No Tobacco Day

Nakiisa ang 170 katao at volunteers mula sa munisipalidad ng La Trinidad, Benguet bilang pakikiisa sa World No Tobacco Day nito lamang Martes, Mayo 31, 2022.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng La Trinidad General Services Office- Municipal Environment and Natural Resources, Municipal Health Office, Municipal Tobacco Control Board at Smoking Control Enforcement Unit sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Romeo K Salda, at 16 Barangay ng nasabing munisipalidad.

Ayon kay Ginoong Arthur Pedro, isa sa mga opisyal ng La Trinidad MENRO, ang mga grupo ay nagsagawa ng Plalking Activity (picking while walking) ng mga upos mula sa kahabaan ng Halsema Highway hanggang Bell Church at mula Pico-Puguis-Poblacion Road patungong Provincial Capitol.

Mahigit 9,000 upos na may tinatayang timbang na 4.190 kgs ang napulot ng mga grupo.

Layunin ng aktibidad na ipabatid sa mga mamamayan ang maduming epekto ng sigarilyo sa kapaligiran at nakakasira sa kalusugan ng mga tao.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles