13.9 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Kultura Festival, matagumpay na inilunsad ng Tuguegarao City

Matagumpay na inilunsad ang Kultura Festival kung saan nabibilang ang Visual Arts Exhibit at Tuguegiraw Film Festival na ginanap sa Robinson Mall, Tuguegarao City, Cagayan noong ika-9 ng Disyembre 2023.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao sa North Luzon Cinema Guild Inc., Cagayano Artists Group Inc. (CAGI), at sa pamamagitan ng suporta ng Movies That Matter, at Royal Netherlands Embassy.

Layunin ng nasabing aktibidad na maisulong ang mga usapin tungkol sa lugar at kultura ng Lungsod ng Tuguegarao, gayundin ang kultura ng iba’t ibang mga bansa gamit ang pelikula at sining biswal.

Ang aktibidad na ito ay dinaluhan ni City Mayor Maila Rosario Ting-Que, City Councilor Ronald “Boyet” Ortiz, City Tourism Officer Gina Adducul, Robinsons Mall Manager Jhong Telan, CAGI President, Lucio Taguiam Jr., North Luzon Cinema Guild Inc. Founders Jerome Dulin at Joseph Arcegono.

Nakatakda ang libreng Film Screening sa Robinsons Movie World sa Disyembre 15-17, kung saan tampok ang limang maiikling pelikula ngayong 2023 Tuguegiraw Film Festival, gayundin ang mga pelikula sa nagdaang 2022 Tuguegiraw Film Festival at ang mahigit 70 short films mula sa iba’t ibang bansa.

Source: TIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles