21.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Korte Suprema kinilala ang top performing na unibersidad at kolehiyo sa Cordillera

Baguio City, Philippines – Binigyan ng pagkilala ng Korte Suprema ang nangibabaw na dalawang unibersidad at isang kolehiyo sa Cordillera sa kalalabas lamang na resulta ng kauna-unahang 2020-2021 digitalized at regionalized Bar examination nito lamang Abril 12, 2022.

Mula sa 8,241 na pumasa, isa si Stephanie Mae B. Domingo mula sa University of Cordilleras ang napabilang sa Excellent list o ang mga nakakuha ng mahigit 90 percent rate.

Bukod pa dito, kinilala rin ang Saint Louis University bilang top Performing Law School sa ilalim ng Category 2 (51-100 Bar takers) kung saan nakakuha ito ng 98.667 percent passing rate mula sa first Bar takers.

Buong pagmamalaki ring ipinahayag ng SLU na siyam sa kanilang graduates ay kinilala dahil sa kanilang exemplary performance kung saan sila ay may average na 85 hanggang 90 percent.

Samantala, nakatanggap naman ng pagkilala ang Abra Valley Colleges bilang Top Performing Law School sa ilalim ng Group 4 na may mahigit kumulang sampu na Bar candidates kung saan nakapasa lahat ang mga first-time takers nito.

Inanunsiyo naman ni Bar Chairperson Associate Justice Marvic Leonen na ang oath-taking ng mga nakapasa ay gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Mayo 2, 2022.

Source: https://www.gurupress-cordillera.com/post/supreme-court-recognizes-top-performing-cordilleran-universities-and-college

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles