16.5 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

KILALANIN ANG BAMBANTI FESTIVAL SA LALAWIGAN NG ISABELA

Ipinagdiriwang ang Bambanti Festival upang ipamalas ang mga kultura, pambihirang talento, orihinal na pagkakayari ng iba’t ibang produkto ng bawat siyudad at munisipalidad sa probinsya ng Isabela.

Ang Bambanti Festival ay isang lingo pakasiyahan na nilalahukan ng 34 na munisipalidad at 3 lungsod na bumubuo sa lalawigan. Kadalasang dinaraos ang naturang aktibidad tuwing ika-apat na lingo ng Enero sa bawat taon. Ang Bambanti ay isang salitang Ilokano na nangangahulugang “scarecrow”.

Nagsimula ito noong 1997 na inorganisa ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela, sa pamumuno ni Gobernador Rodito T. Albano III at Bise Gobernador Faustino G. Dy III.

Ang pagdiriwang ay bilang pagbibigay pugay sa lahat ng lokal na magsasaka na masipag at matiyagang nagtatanim ng palay at mais upang mabuhay ang kanilang mga pamilya at makapagbigay ng bigas at pagkain sa komunidad. Kasama sa mga kinagigiliwan at inaabangan tuwing ipinagdiriwang ang festival ay ang Bambanti Village: Agri-Ecotourism Exhibit and Sale; Search for Queen Isabela; Color Fun Run; Makan Ken Mainum; Street-Dance Parade Competition; Bambanti Musical Production; at Isabela Grand Concert Party

Nagpapatayo rin ang bawat munisipalidad at lungsod ng Giant Bambanti at Agri-Ecotourism Booth na naglalaman ng kanya-kanyang orihinal na produktong pang-agrikultura na siya namang ibinebenta sa mga dumarayo sa festival.

Ang Festival ay isang katangi-tanging kaganapan sa lalawigan at ang mga nalilikom na pera at donasyon mula sa aktibidad ay ibibigay sa mga Isabelinong higit na nangangailangan at sa mga proyekto ng lalawigan na makakatulong para sa kanilang pag-unlad lalong-lalo na sa larangan ng agrikultura.

Matatandaan na ang Isabela ay isa sa mga lalawigan na nag-aangkat ng mga produktong agrikultura na dinadala sa iba’t ibang lugar kagaya ng Metro Manila.

Sources: https://expertworldtravel.com/philippines/bambanti-festival/

https://images.app.goo.gl/cc5brhS9AHsR8Wds7

Sa panunulat ni Emmat

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles